Silahis ang katulad mong
                  nagsabog ng liwanag
                
                  Ng pag-asa't hangarin
                  ng pag-unlad.
                
                  Ang pook ng Mindanao
                  tinanglaw at pinalad,
                
                  Nang ika'y isilang
                  na dakila ang hangad.
                
                  Ating ipagkapuri
                  Itong Pamantasan,
                
                  Ang buhay at pag-ibig
                  sa kanya'y iaalay;
                
                  Saan man naroroon
                  ay bigyang karangalan,
                
                  Dakilang paaralan
                  Pamantasang Mindanao.